Ngayong araw ay nakiisa ang University of Caloocan City sa pamamagitan ng Community Extension Services at pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and National Resources (DENR) sa 41st International Coastal Clean Up na ginanap sa Manila Bay.
Higit pa sa simpleng paglilinis, layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis ang ating mga baybayin, mabawasan ang marine litter, maprotektahan ang marine ecosystems, at mapalawak ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan.
Bilang isang pamantasang nakatuon sa paglilingkod sa komunidad, patuloy na isinusulong ng UCC ang mga gawaing nagtataguyod ng environmental awareness, volunteerism, at collective action para sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas sustainable na kinabukasan.
#BeWISE
#UniversityOfCaloocanCity
#41stInternationalCoastalCleanUp