Ang Caloocan ay nagsimula bilang maliit na baryo ng Tondo, nasa isang lugar na tinatawag na Libis Espina o Aromahan. Ang pangalan nitong “Caloocan” marahil nagmula sa salitang “sulok” o “look”, na nangangahulugang nasa sulok o looban ng lugar. Isang pahayag na tumutukoy sa kanyang posisyon sa pagitan ng Tondo at Tambobong (ngayon ay Malabon).

Taong 1961, ipinasa ang Republic Act No. 3278 na nagtatag sa Caloocan bilang lungsod. Pagkatapos ng isang plebisito, pormal itong naging lungsod noong Pebrero 16, 1962, kaya’t ang araw na ito ay ginugunita bilang Caloocan City Day.

#BeWISE

#UniversityOfCaloocanCity

Source: https://caloocancity.gov.ph/about-us/history/